Huwebes, Oktubre 11, 2012


TALAMBUHAY NI MANNY PACQUIAO

Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao ay ipinanganak noong Disyembre 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon sa Pilipinas. Siya ay anak nina Rosalio at Dionesia Pacquiao. At noong nasa ikaanim na taon na si Manny sa elementarya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang sapagkat pinili ng kanyang ama na sumama sa ibang babae. Iniwan ni Manny ang kanyang pamilya pagkatapos ng elementarya at pumunta ng Maynila para makipagsapalaran. Doon niya sinubukan ang kanyang kapalaran sa boksing at sumali siya sa Philippine National Amateur Boxing Team. At sa ilang taong pagboboksing ay nakilala niya si Jinkee Jamora na kinalaunan ay naging asawa at ina sa kanyang 4 na anak na sina Jimwell, Michael, Mary Grace, Queen Elizabeth. Ilang taon na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay nagdadala pa rin ng karangalan sa bansa ang Pambansang Kamao ngunit ngayon ay hindi lang pagiging boksingero ang kanyang ginagampan pati na rin ang pagiging kongresista, aktor at taga-pahayag ng Salita ng Diyos. 

Pamilya Pacquiao
Mula sa kaliwa papunta sa kanan: Jimwell Pacquiao, Jinkee Pacquiao, Michael Pacquiao, Queenie Pacquiao, Manny Pacquiao at Princess Pacquiao
Nakuha mula sa: wordpress.com


BUHAY BOKSINGERO


Litrato ni Pacquiao kasama ang kanyang trainer na si Freddie Roach.
Nakuha mula sa: pinoyshoutouts.com







Nagkaroon ng 'di mabilang na laban si Manny sa mga kapwa niya boksingero mula sa iba't ibang parte ng mundo. Andiyang nagsimula siya sa paglaban sa kapwa Pilipino, kapwa Asyano at hanggang sa nakarating siya sa mga boksingerong tiga-kanlurang bahagi ng mundo. Sa pamamagitan niya, lubos niyang ipinamalas sa buong mundo ang galing ng bawat isang Filipino.

IBA PANG MGA KATUNGKULAN

I. PULITIKO


Noong taong 2007 sa unang pagkakataon ay tumakbo si Manny Pacquiao upang maging kinatawan ng unang distrito ng South Cotabato ngunit sa kasamaang palad ay natalo siya. Nang sumunod na taon siya ay sumumpa bilang miyembro ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI). Pagsapit ng ika-13 ng Mayo taong 2010, Siya ay nahalal bilang kongresista ng Sarangani sa Ilalim ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni Manny Villar. Lumamang ng 59,153 na boto si Manny sa kanyang kalaban na si Roy Chiongbian, na matagal nang nanunungkulan sa nasabing probinsya. Noong ika-28 ng Hunyo 2010, si Pacquiao ay sumumpa bilang opisyal na kongresista sa harap ng kawani ng Korte Suprema na si Antonio T. Carpio sa Municipalidad ng Alabel sa Sarangani. Kasabay nito, idineklara niya na siya ay lilipat sa liberal Party para masigurado ang pagpapatupad ng mga proyekto sa kanilang probinsya.

MGA NAGAWA BILANG PULITIKO


    •   Isa sa mga sumulat ng HouseBill 375 na naglalayong taasan ng Php125 ang sweldo ng mga manggagawa ng mga pribadong sektor.
    •   Nagsumite ng HouseBill 375 na naglalayong magpatayo ng ospital sa kanyang probinsya at pangalanan itong Sarangani Provincial Hospital.
    •   Nagsumite ng HouseBill 2379 na naglalayong tutulan ang mga kumpaya ng cellphone na magpadala ng mga mensaheng kumakain ng load.
    •   Nagsumite ng dalawang panukalang batas na naglalayong magpatayo ng mga breast care centers sa bawat rehiyon sa Pilipinas at naglalayong puksain ang pagbebenta ng mga babae at bata,
    •   Siya ay nakikiisa sa paggawa ng 32 panukalang batas.


   IIMANG-AAWIT
      
  "Para Sa'yo ang Laban na 'To" Sta Records album ni Pacquiao.  Nakuha mula sa: thefastertimes.com




Noong 2006, gumawa si Pacquiao ng sarili niyang  album na may pamagat na Para Sa'yo ang   laban na 'To sa tulong ng Star Records.
Hindi iyon natapos doon sapagkat ito'y nasundan pa ng isang album na pinamagatang Pac-Man Punch noong 2007 sa tulong naman ng MCA - Universal Records.
  





III. AKTOR

Bukod sa paggawa ng album at sa pagiging mang-aawit, pinasok din ni Manny Pacquiao ang pag-aartista. Nagkaron siya ng mga programa sa telebisyon katulad ng Pinoy Records at Totoy Bato. Mayroon din siyang pelikulang Anak ng Kumander kasama si Ara Mina.

 

   Poster ng pelikula ni Manny Pacquiao na pinamagatang "Ana ng kumander" Nakuha mula sa: Blogspot.com














IV. BIBLE AMBASSADOR

Si Manny Pacquiao ay hinirang ng Simbahang katoliko na Bible Ambassador ng General Santos City. Sa ngalan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), ipinaabot ng obispong si Virgilio David ang kanilang paanyaya noong ika-30 ng Enero ng taong 2012. Hindi na nagdalawang isip pa ang ating kampeon na tanggapin ang alok ng CBCP. Ayon sa kanya, nagpakita ang Diyos ng isang pahiwatig sa kanyang panaginip at doo'y nakita niya ang sarili sa gitna ng kagubatan na may nakakasilaw na liwanag na pinaniniwalaan niyang Diyos. tinanong siya ng Panginoon kung ba't siya lumalayo. Nang siya'y magising napansin niya na basa ng luha ang kanyang unan. At simula noon, siya'y naging masugid na taga-pahayag ng mabuting balita ng Diyos. 

At bilang parte ng kanyang pagiging Ambassador, si Manny ay madalas nang nakikita sa mga kawang-gawa. Pinasara na rin niya ang kanyang sariling Disco Bar para makaiwas na rin sa iba't ibang klase ng bisyo. Tuwing gabi ay nagkakaroon ng pagbasa ng Salita ng Diyos sa kanyang mismong tahanan na lubusang ikinatuwa ng kanyang ina at ang tanging hiling na nga lang daw niya ay ang pagtigil ni Manny sa pagboboksing.

V. TV AKTOR



     Manny Many Prizes, palabas sa GMA 7 tuwing Linggo 2:45 ng hapon.



Hunyo 18 ng taong 2011 nang unang ipalabas ang "Manny Many Prizes" sa estasyon ng GMA 7. Ang programang ito ay naglalayong mamigay ng papremyo sa mga Pilipinong higit na nangangailangan. At simula ng iere ang palabas nito ay nabansagan na ring "Pambansang Ninong" si Manny.



MANNY PACQUIAO PARA SA MGA KRITIKO


"We knew Manny was very fast.We were going good until I got caught, and then that's when the problems started coming." - Antonio Margarito, 32 taong gulang na Mexicanong boksingerong natalo ni Pacquiao

"He's almost like a God. The people who rallied behind him and feel like they're part of him, because they can see his talent, his dedication, his grace and his class." - Lennox Lewis, manunulat ng Time Magazine

"Bilib kasi ako sa kaniya na sa kabila ng kahirapan ng buhay nagsikap siya at naging pinakamagaling na boksingero sa buong mundo." - J.I.E Teodoro, propesor sa Kolehiyo ng Miriam

"Emmanuel Dapridan Pacquiao AKA Manny Pacquiao AKA Pac Man has been pretty much the biggest thing in boxing for the first decade of the millenium." - Fran, isang blogger na magaling manaliksik sa boxing

"The fact that the fight is being reviewed is enough for many of the boxing fans that couldn't believe that Pacquiao lost." - Donald Wood, featured columnist sa Bleach Report

" The vast majority of observers had Pacquiao clearly winning the fight, many in lopsided fashion. top Rank promoter Bob Arum, who promotes both fighters, was outraged and has called on Nevada attorney general to inquire about the scoring." - Dan Rafael, reporter ng ESPN

IBA PANG MGA WEBSITE AT BLOG TUNGKOL KAY PACQUIAO


 

        http://pinoygreats.com/
   

               http://www.mp8.ph




   http://pacman.craveonline.com/  




  http://mannypacquiao.com/ 


        http://www.congress.gov.ph/members/search.php?congress=15&id=pacquiao

MANNY PACQUIAO SA KULTURANG FILIPINO

Bata pa lamang ako ay pinanonuod ko na ang bawat laban ni Pacquiao. At masasabi kong isa ako sa milyon-milyong saksi sa kanyang bawat kampeonato pati na rin sa kanyang ilang beses na pagkabigo. Sa murang edad na labimpitong taon ay naging isang ganap na propesyonal na boksingero si Pacman. Sa ilang taon iyon siya'y nakapagkamit ng 54 ma panalo, 4 na talo at 2 tabla. At ito marahil ang masasabi kong pinakamalaking kontribusyon niya sa ating bansa, sa ating pagka-Filipino. Sa bawat suntok na pinakakawalan ng kamao ni Pacquiao ay kasabay ng mga nakabibinging bulyawan na para na ring humihiyaw ng paghanga sa bawat isang Filipino. Nababalot sa katauhan ni Manny Pacquiao ang pagpupursige, kabayanihan, pagkarelihiyoso at kababaan ng loob ng mga Filipino.


 At muli, sa darating na ika-8ng Disyembre ng kasalukuyang taon ay inaasahang makikipagpunyagi muli si Pacman kay Juan Manuel Marquez. Buong mundo ay nag-aabang sa muli namang pagpapamalas ng galing ng dalawang boksingerong ito. At lalung-lalo ang mga Filipino ay umaasang muling maitataas ang bandila ng Pilipinas sa tugatong na tagumpay sa larangan ng boksing.







MGA PINAGKUNAN

Eiselle,A. (2012). Manny Pacquiao: Fight-by-Fight Career Record. Kinuha Oktubre 10,2012, mula http://boxing.about.com/od/records/a/pacquiao.htm
HBO Archives. (2012). Kinuha oktubre 10, 2012, mula https://www.hboarchives.com/boxing_fights_details/pacquiao_manny.html
Manny Pacquiao as Bible Ambassador. (2012). Kinuga Oktubre 10, 2012, mula http://www.gensanarium.com/2012/03/pacquiao-as-bible-ambassador.html
manny Pacquiao, The Fighting Congressman. (2011). Kinuha Oktubre 10, 2012, mula http://www.mannypacquiaovs.com/manny-pacquiao-congressman/#ixzz28quS3dlB
San Diego, B. (2011). manny Pacquiao now game show host. Kinuha Oktubre 10,2012, mula http://entertainment.inquirer.net/5851/manny-pacquiao-now-game-show-host

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento